Itinapon na lamang ng isang kooperatiba sa Sablayan, Occidental Mindoro ang mga binili nilang sibuyas matapos itong mabulok dahil hindi na maibenta sa merkado.
Ang ilang ani ay naipadala pa sa Romblon at Bongabon, Nueva Ecija sa tulong ng Food Terminal Inc., ngunit hindi rin umano sapat ang bentahan.



