Nag-alok ng libreng sakay ang ilang local government unit (LGU) sa Metro Manila ngayong Lunes, Setyembre 28, kasabay ng tatlong araw na tigil-pasada ng grupong Manibela.
Maagang nag-deploy ng mga sasakyan ang Manila at Malabon, habang available rin ang QCity buses sa Quezon City.
Naglaan din ang Department of Transportation (DOTr) ng libreng sakay mula 6 a.m. hanggang 8 p.m. sa mga rutang Quiapo-Fairview, Quiapo-Welcome Rotonda, Nagtahan-Cubao, Cubao-Fairview, at Gallertia-Taytay.
: DOTr / Q.C. Govt. / Manila PIO


