Muling nakapagsalu-salo sa hapagkainan ang pamilya Veloso matapos ang halos 17 taon ng pagkakahiwalay dahil sa pagkakakulong ni Mary Jane Veloso sa Indonesia at sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Sa unang araw niya sa kanilang tahanan sa General Mamerto Natividad, Nueva Ecija, muling nakasama ni Mary Jane ang kaniyang ina, mga anak, at iba pang kapamilya.
: Save the Life of Mary Jane Veloso/Facebook

