Ipinag-utos ng Sandiganbayan Third Division nitong Martes, Nobyembre 10, ang 90-day preventive suspension kay dating House Speaker Martin Romualdez, na kasalukuyang nakadetine sa Quezon City Jail sa Payatas.
Inatasan din ng korte ang Kamara na ipaalam sa Sandiganbayan ang anumang hakbang na gagawin nito sa loob ng limang araw mula sa pagtanggap ng resolusyon.
Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano’y ₱7.4 bilyong ill-gotten wealth mula sa maanomalyang flood control projects.

