Magsasagawa ng bilateral meeting sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Donald Trump sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Maynila sa susunod na linggo, ayon kay Department of Foreign Affairs-ASEAN Office Executive Director Dominic Imperial.
Inaasahan umanong darating si Trump sa Pilipinas sa Nobyembre 17. Dadalo rin ang US President sa ASEAN-US Special Summit kasama ang mga lider ng Southeast Asia upang talakayin ang mahahalagang usaping panrehiyon.
Bukod kay Trump, inaasahan din ang bilateral meeting ni Marcos sa mga lider ng Australia, Brazil, Japan at South Korea. Hindi pa inilalabas ng DFA ang opisyal na agenda ng pagpupulong nina Marcos at Trump.
📷: PCO



