Naghain ng petisyon sa Supreme Court si election lawyer Atty. Romulo Macalintal upang kuwestiyunin ang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa petition for certiorari at prohibition, hiniling ni Macalintal na agad isailalim sa raffle ng Korte Suprema ang kaniyang kaso para mabilis itong maaksyunan.
Hiniling din niya sa Supreme Court ang agarang pagpapalabas ng status quo ante order, temporary restraining order, at writ of preliminary injunction.
Layunin ng petisyon na harangin ang dalawang taong pagpapaliban sa BSKE, na orihinal na nakatakdang idaos sa Nobyembre 2. | via Earlo Bringas

