Nagsagawa ng rally ang ilang mga grupo sa Litex Market sa Quezon City ngayong Martes, Setyembre 29. Tutol sila sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at igiit ang mga hakbang para maibsan ang epekto nito sa mamamayan.
Kabilang sa kanilang mga panawagan ang pagtanggal sa VAT at excise tax sa langis, pagtataas sa ₱1,200 na arawang sahod sa buong bansa, pagpapatupad ng makatarungang fare hike, at pagbaba sa ₱55 kada litro ng presyo ng krudo. Hinihiling din nilang ibasura ang Oil Deregulation Law.
Ayon sa mga nagkikilos-protesta, hindi sapat ang ayuda, ₱1 na dagdag-pasahe, at rollback sa presyo ng langis upang matugunan ang patuloy na krisis. | via Eden Santos

