Reaksyon ni Atty. Lorna Kapunan sa kahilingan ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na sa Setyembre 29 at 30 na lamang siya humarap sa impeachment court.
Kasunod ito ng ipinadalang liham ng kaniyang kampo kaugnay ng hindi niya pagdalo sa paglilitis ngayong Lunes, Setyembre 28. Sinabi ng kampo ni Mayor Baste na kailangan niya ng sapat na oras para tipunin, ayusin, i-authenticate at magreproduce ng mga dokumentong hinihingi sa kaniya ng korte.
“Let’s give him the benefit of the doubt,” ani Kapunan.