Itinanggi ng kampo ni dating House Speaker Lord Allan Velasco ang alegasyon ng dismissed policemen na si Rodulfo Gracioso Jr. kaugnay sa umano'y paghahatid ng maletang may lamang pera sa ilang miyembro ng pamilya Duterte.
Nauna nang sinabi ni Gracioso na sa utos ni Velasco ay naghatid siya ng mga maletang may pera kina Vice President Sara Duterte, dating Pangulong Rodrigo Duterte, at Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte.
Itinanggi rin ni VP Sara na kilala niya si Gracioso o nakatanggap siya ng pera mula rito. | via Jim Tejano


