Inaprubahan ng DILG ang bagong proseso sa pag-apruba ng foreign travel requests ng mga local government officials, na nagbibigay ng karagdagang awtoridad sa Regional, Provincial at City Directors.
Sa ilalim ng bagong sistema, nananatiling DILG Secretary ang approving authority para sa ilang high-level officials, kabilang ang provincial governors, HUC at ICC mayors, at mayor ng Pateros. Ang ahensya rin ang mag-aapruba sa mga biyaheng lampas tatlong buwan o isasagawa habang may emergency o krisis.
Samantala, maaaring aprubahan ng DILG Regional, Provincial at City Directors ang iba pang travel requests depende sa posisyon ng opisyal, uri ng biyahe at tagal nito. Nagsimula ang bagong approval mechanism noong Setyembre 7.
📷 PNA


