Inihayag ng gobyerno na nakatipid ito ng ₱1.4 bilyon sa pagbili ng mahigit 172,000 MacBook Neo laptops mula sa Apple Inc. para sa Department of Education (DepEd) teachers at staff.
Nabili ang bawat unit sa halagang ₱43,000, o ₱6,900 na mas mababa sa kasalukuyang market price. Kasama rin sa kasunduan ang delivery, limang taong warranty, software at training.
Kabuuang 231,000 laptops ang ipamamahagi sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa mula Nobyembre 2026 hanggang Marso 2027.
📸: DepEd

