Nagsagawa ang China na naval at air training exercise sa paligid ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.
Ayon sa militar ng China, layunin nitong palakasin ang kakayahan sa pagprotekta sa kanilang sinasabing teritoryo at karapatan sa karagatan.
Sa kasalukuyan, kinukumpirma pa ng Philippine Coast Guard ang mga ulat ng ilegal na aktibidad ng China sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

