Iginiit ni CDJODA Chairman Tony Santos na hindi umano natupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang pangako noong kampanya.
Kabilang dito ang pagpapanatili ng mga traditional na jeepney dahil patuloy umano ang pag-aangkat ng pamahalaan ng mga modern jeepney o mini bus mula sa ibang bansa.
“Nabudol tayo ni Marcos!” ani Santos.
Ayon pa sa tsuper, hindi akma ang paggamit ng modern jeepney sa mga kalsada sa bansa dahil mahihina raw ang mga piyesa nito at kakailanganin pang bilhin sa ibang bansa kung masira ito.

