Sinuspinde ng Civil Service Commission–National Capital Region (CSC-NCR) nang tatlong buwan at isang araw ang isang empleyado ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa hindi paghahain ng kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) para sa taong 2005.
Ayon sa Department of Finance (DOF), nilabag ng empleyado ang Section 8 ng Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Inihain ng DOF-Revenue Integrity Protection Service (RIPS) ang kasong administratibo bilang bahagi ng kampanya laban sa katiwalian at pagsusulong ng integridad at pananagutan sa serbisyo publiko.

