Arestado sa Bamban, Tarlac ang isang 42-anyos na lalaki matapos umanong bentahan ng pinaghihinalaang shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Nakumpiska sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman umano ng 0.57 gramo ng shabu, na may standard drug price na ₱3,876. Dinala sa Camp Macabulos sa Tarlac City ang mga nakuhang ebidensya para sa kaukulang pagsusuri.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Bamban PNP lockup cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
📷 Fred Fausto
📹 via Ismael Mateo


