Namatahan ng mga mangingisda ang bangkay ng isang lalaki na palutang-lutang sa karagatan na sakop ng Cavite habang pauwi sila ng Mariveles.
Kinilala ang biktima na residente ng Barangay Baseco, Mariveles, Bataan. Huli umano itong nakita noong Martes, Setyembre 8 kasama ang kaibigan nitong 31-anyos, na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan.
Hinila ng mga mangingisda ang bangkay patungo sa Mariveles Fishport. Nakagapos ang mga kamay ng biktima sa likod nang matagpuan.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa pagkamatay ng biktima, habang nagpapatuloy rin ang paghahanap sa kaibigan nito. | via Larry Biscocho


