Nagpaabot ng pakikiramay ang Canada sa mga pamilya ng mga nasawi sa nasunog na M/V June Aster sa karagatan ng Coron, Palawan nitong Miyerkules, Setyembre 9.
Sa pahayag ng Canadian Embassy sa Pilipinas, kinilala nito ang patuloy na pagsisikap ng mga emergency responder at sinabing nakikiisa ang Canada sa mga Pilipino. Wala rin umanong kumpirmadong Canadian citizen na naapektuhan sa insidente.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), lima ang kumpirmadong nasawi, habang 43 ang nailigtas at patuloy na hinahanap ang iba pang nawawala.
📸: PCG


