Hindi bababa sa 24 na bata ang nasawi matapos masunog ang dalawang paaralan at humigit-kumulang 300 bahay na gawa sa kahoy sa Bukavu, Democratic Republic of the Congo.
Ayon sa rebel administration ng South Kivu, 19 na babae at limang lalaki ang nasawi sa sunog. Sugatan naman ang 29 na ginagamot sa ospital kabilang ang 21 na nasa intensive care.
Naapula ang sunog pagsapit ng hapon, ngunit patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang sanhi nito. Ayon sa mga residente at health workers, maaari pang tumaas ang bilang ng mga nasawi.
📸: Reuters


