Lima ang kumpirmadong nasawi habang 84 pa ang patuloy na hinahanap matapos masunog ang M/V June Aster habang papalapit sa Coron, Palawan noong Miyerkules ng gabi, Setyembre 9.
Sumiklab ang apoy pasado 6:00 ng gabi, humigit-kumulang 2.2 kilometro mula sa Barangay Marcilla. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nakarinig umano ng malakas na pagsabog sa cargo hold ang ilang survivor bago kumalat ang apoy.
Patuloy ang search and rescue operation habang hindi pa makasampa ang mga responder at imbestigador sa barko dahil sa makapal na usok at natitirang apoy.
Ayon sa PCG, kabilang sa hamon ang malakas na hangin, habang patuloy ding minomonitor ang mga kalapit na lugar para sa posibleng mga survivor.
📽️: PCG

