Kumpiyansa si DILG Secretary Jonvic Remulla na maiuuwi sa Pilipinas mula France si dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co, na wanted sa mga kasong plunder kaugnay ng flood control fund scandal.
Ayon kay Remulla, personal siyang pupunta sa France upang makipag-ugnayan sa French authorities’ para sa pag-aresto kay Co. Aniya, kumpleto na ang impormasyon ng Pilipinas sa kinaroroonan ng dating mambabatas at hihilingin din sa French authorities, maging sa Interpol, ang pagpapalabas ng Red Notice laban dito.
Si Co ay kabilang sa mga inisyuhan ng panibagong arrest warrant ng Sandiganbayan, kasama si dating House Speaker Martin Romualdez, kaugnay ng alegasyong ₱7.4-bilyong kickback sa flood control projects. | via Vic Somintac


