BABALA: SENSITIBONG BALITA.
PUMP ATTENDANT, PATAY SA ZAMBOANGA DEL NORTE.
Nasawi ang isang 26-anyos na lalaking pump attendant matapos barilin ng isang suspek sa Brgy. Banigan, Liloy, Zamboanga del Norte.
Sa inisyal na ulat, binaril sa batok ang biktima na nagresulta ng kaniyang pagkamatay.
Kasalukuyang sinusuri ng mga pulis ang mga posibleng suspek kasunod ng retrieval ng CCTV footage para mapanagot sa krimen. | via Ely Dumaboc
📽️: Julius Sino Jaictin
