Inilagay ng Sandiganbayan Third Division sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si dating House Speaker Martin Romualdez. Kasunod ito ng commitment order na inilabas ng korte nitong Huwebes, Setyembre 10.
Gayunpaman, mananatili muna si Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center habang hinihintay ang desisyon sa kaniyang mosyon para sa hospital confinement.
Kapag pinayagang lumabas ng ospital, saka siya ililipat sa New Quezon City Jail sa Payatas.
Itinakda naman sa Setyembre 14 ang arraignment at pretrial niya sa kasong plunder kaugnay ng umano’y ₱7.44 bilyong kickback sa mga proyekto ng gobyerno.
📸: PNP CIDG NCR


