Nagdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Albay kasunod ng pagtaas ng kaso ng dengue.
Sa pinakahuling ulat ng Provincial Health Office - Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, pumalo ng 1,785 ang naitalang kaso kung saan 14 ang nasawi. Pinakamaraming naitala sa Legazpi City na may 378, sinundan ito ng Bacacay na may 254, at Daraga na may 188.
Hinimok naman ng lokal na pamahalaan ang mga residente na panatiling malinis ang kanilang kapaligiran at alisin ang mga posibleng pamugaran ng mga lamok.

