Naglaan ng 425 hospital beds ang Department of Health (DOH) sa mga pampublikong ospital sa Metro Manila para sa mga pasyenteng kailangang ma-admit dahil sa leptospirosis.
Ayon sa DOH, 287 na ang okupado habang 138 pa ang bakante.
Pinakamarami ang naka-admit sa San Lazaro Hospital na umabot sa 97, sinundan ito ng East Avenue Medical Center na may 54 at Quirino Memorial Medical Center na may 24.
📸: San Lazaro Hospital


