Hinamon ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla si dating House Speaker Martin Romualdez na harapin ang mga kaso na kaugnay ng umano’y ₱7.4 bilyong kickback sa flood control projects.
Tugon ito ni Remulla sa petisyon ng kampo ni Romualdez na manatili sa ospital ang mambabatas sa halip na makulong. Giit ng Ombudsman, dapat patas ang pagpapatupad ng batas.
Samantala, inatasan ng Sandiganbayan ang mga doktor mula sa Philippine General Hospital (PGH) na suriin ang kondisyon ni Romualdez upang matukoy kung kailangan talaga nitong manatili sa ospital.


