Nasawi ang ilang pasahero at marami ang sugatan matapos tumaob ang isang bus lulan ang isang Dutch tour group sa isang liblib na bahagi ng Swiss Alps, ayon sa mga awtoridad.
Nangyari ang aksidente malapit sa bayan ng Susch ng Graubuenden, Switzerland. Ayon sa Dutch Association of Travel Companies, sakay ng bus ang 48 pasahero na pawang Dutch nationals at bahagi ng tour operator na OAD.
Hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang eksaktong bilang ng mga nasawi at nasugatan. Inaasahang magbibigay ng karagdagang detalye ang pulisya sa mga susunod na oras.
📷: Jon Duschletta


