May namataang low pressure area (LPA) na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Agosto 3, ayon sa PAGASA.
Ayon sa weather bureau, inaasahang daraan ito sa hilagang bahagi ng PAR, kung saan may posibilidad na tuluyang makapasok sa loob ng bansa.
Patuloy namang binabantayan ng PAGASA ang galaw at pag-develop ng naturang weather disturbance.
📷: PAGASA


