Maaaring maapektuhan ang mahigit 300 domestic flights dahil sa pagdating ng mga world leader sa Pilipinas para sa 49th ASEAN Summit sa Nobyembre 16 hanggang 18, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Pinayuhan ang mga pasahero na tingnan ang mga website ng kanilang airline o direktang makipag-ugnayan sa kanila para sa flight status. Ang mga kanseladong flight ay maaaring i-rebook nang walang bayad, i-refund nang buo, o ilipat sa travel fund.
Hinimok naman ni Transportation Secretary Vince Dizon ang mga pasaherong hindi apektado ang flight na magtungo sa paliparan nang mas maaga dahil sa inaasahang pagkaantala at pagsisikip ng daan.

