Inihain na sa Makati Regional Trial Court (RTC) ang petisyon ng pamahalaan ng Estados Unidos para i-extradite o makuha ang kustodiya ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy upang litisin sa Estados Unidos, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Inihain ang petisyon noong Lunes, Nobyembre 9, at na-raffle sa Makati RTC Branch 145. Saklaw din ng kahilingan ang extradition nina Teresita Dandan at Helen Panilag.
Nahaharap si Quiboloy sa mga kasong sex trafficking at racketeering sa Estados Unidos, bukod pa sa mga kasong kinakaharap niya sa Pilipinas.
📸: PNA

