Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipinagtatanggol lamang ng bansa ang mga karapatan nito sa West Philippine Sea at iniiwasan ng mga opisyal ng pamahalaan ang pakikipag-away sa ibang bansa, kabilang ang China.
Ayon kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Retired Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ipinaglalaban lamang ng Pilipinas ang mga karapatang pandagat, soberanya at mga karapatang soberano na ipinagkaloob dito.
Tiniyak din ni Trinidad na layunin ng AFP at Department of National Defense na masiguro na mamanahin ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino ang isang malayang Pilipinas.
Binigyang-diin niya na walang inaangkin ang bansa na hindi nito pag-aari, kaya hindi dapat ituring na ito ang nagpapasimuno ng gulo.
📷: AFP



