Binigyan ng Senate impeachment court si Davao City Assessor Jaime Adalin ng hanggang ngayong Miyerkules, Nobyembre 11, upang isumite ang mga record ng mga ari-arian at mga biyahe nina Vice President Sara Duterte at ng kaniyang asawang si Atty. Manases Carpio.
Kabilang din sa hinihinging impormasyon ang detalye tungkol sa travel agency na ginamit sa biyahe ni Adalin sa China.

