Itinaas na sa ₱60 kada araw ang minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila epektibo noong Sabado, Setyembre 26.
Sa ilalim ng Wage Order No. NCR-28, naging ₱755 kada araw ang sahod ng mga manggagawa sa non-agricultural sector, mula sa ₱695. Para naman sa sektor ng agrikultura at maliliit na negosyo, naging ₱718 kada araw ang minimum wage mula ₱658.
Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaasahang 1.1 milyong manggagawa ang makikinabang sa dagdag-sahod.

