Tumaas ng ₱60 ang arawang sahod sa Metro Manila simula noong Setyembre 26.
Base sa Wage Order-NCR-28, naging ₱755 kada araw na ang minimum wage para sa non-agricultural workers, mula ₱695. Samantala, tumaas din mula ₱658 sa ₱718 kada araw ang minimum wage para sa agricultural workers at ilang maliliit na negosyo.

