Patay sa tuklaw ng king cobra ang 14-anyos na babae matapos protektahan ang tatlo niyang pinsan sa Barangay Batian, Maitum, Sarangani.
Naliligo umano sa ilog ang magpipinsan nang biglang sumulpot ang ahas, kung kaya’t niyakap ng dalagita ang mga pinsan at siya ang natuklaw sa likod.
Umuwi pa ang dalagita at ikinuwento sa kaniyang pamilya ang nangyari. Isinugod din siya sa ospital, ngunit nasawi rin kinalaunan.
📷: Mayor James Reganit



