Ligtas ang pitong estudyante matapos maipit sa loob ng elevator ng University of Batangas main campus nitong Martes ng gabi, Nobyembre 3.
Ayon sa ulat ng unibersidad, halos tatlong oras umanong naipit ang mga estudyante matapos pumalya ang elevator habang pababa ito.
Agad silang dinala sa school clinic at nasa stable na kondisyon na.
Samantala, sumasailalim pa sa testing ang elevator at hindi pa inirerekomendang gamitin.
📸: BFP RIVA Batangas FS


