Hinimok ng Philippine Embassy sa France ang mga Pilipino na maghanda ng emergency kits na may sapat na supply para sa tatlong araw.
Â
Pinayuhan silang ihanda ang mahahalagang dokumento, magtabi ng Euros na cash at magkaroon ng plano upang mapanatili ang komunikasyon sa pamilya.
Â
Kasunod ito ng paalala ng French authorities sa publiko na maghanda para sa posibleng emergency, sa gitna ng mga tensyon at kilos-protesta sa bansa.
Â
Tiniyak naman ng embahada na handa itong tumulong sa mga Pilipinong mangangailangan ng agarang tulong.
Â
📸: Reuters
