Patay ang isang 20-anyos na Indian national matapos mahagip at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa San Pablo City, Laguna.
Ayon sa PNR, galing Lucena, Quezon, ang tren at patungong Calamba, Laguna nang mangyari ang insidente.
Galing umano sa isang tindahan ang biktima at hindi napansin ang paparating na tren. Ilang metro siyang nakaladkad at nagtamo ng matinding pinsala na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
📸: PNR File

