Nasamsam ng mga awtoridad ang 200 kilo ng shabu sa Manila North Harbor na nagkakahalaga ng ₱1.36 bilyon mula sa isang shipment na nagmula sa Laos.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakatago ang droga sa 50 karton na naglalaman ng 200 vacuum-sealed plastic bags. Ilang araw na nakatengga ang shipment kaya binuksan ang container at dito natuklasan ang ilegal na droga.
Nakatanggap umano ang ahensya ng impormasyon tungkol sa shipment noong Setyembre 2026.
Patuloy na tinutukoy ang consignee at iba pang nasa likod ng shipment na maaaring makasuhan sa pagpuslit ng droga sa bansa.
📸: PDEA Screengrab
