Naglabas ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng video kung saan makikita si dating House Speaker Martin Romualdez sa loob ng Quezon City Jail Male Dormitory ngayong araw, Nobyembre 4.
Iniimbestigahan na rin umano ng ahensya ang mga alegasyong nakakalabas ng piitan ang dating lider ng Kamara.
Gayunpaman, sinabi ng BJMP na sa paunang beripikasyon ng CCTV footage, walang naitalang power o CCTV interruption sa piitan at wala ring naitalang paglabas ni Romualdez sa pasilidad sa panahong sinuri.
Kasalukuyang nakapiit ang dating House Speaker kaugnay ng kasong plunder na nag-ugat sa umano’y kickback scheme sa mga flood control project.
Via: Tjay Mendoza
📹: BJMP