Arestado ang dalawang Chinese nationals na umano’y sangkot sa pagbebenta ng 350 kilo ng smuggled meat products mula China sa isang operasyon sa Pasay City.
Ayon sa National Meat Inspection Service (NMIS) at National Bureau of Investigation (NBI), kabilang sa mga nasabat ang peking duck, yellow chicken at palaka na nagkakahalaga ng ₱183,000.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Meat Inspection Code of the Philippines. Samantala, dadalhin sa isang pasilidad ang mga nakumpiskang karne.
📸: NMIS, PNA
