U.S. SEC. MARCO RUBIO, DUMATING NA SA PILIPINAS.
Nasa Pilipinas na si U.S. Secretary of State Marco Rubio.
Pangunahing pakay ng kaniyang biyahe ang pakikibahagi sa mga pagpupulong ng ASEAN Ministerial Meetings na ginaganap sa bansa.
Makikipagpulong din siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang palakasin ang alyansa sa depensa at ekonomiya ng dalawang bansa.
Inaasahang tatalakayin din sa kanilang pag-uusap ang maritime security sa West Philippine Sea at ang pagpapatayo ng Luzon Economic Corridor.
Matatandaan din ang naging pahayag ni Rubio na maaari lamang manghimasok ang International Criminal Court (ICC) sa ibang bansa “only when a nation’s court were unable to prosecute them on their own.”
Kinumpirma naman ng Malacañang na nire-review ng pamahalaan ang polisiya ng Pilipinas sa pakikipagtulungan sa ICC kasunod ng panawagan ng Estados Unidos na buwagin ang tribunal.
📸: U.S. Sec. Marco Rubio


