Noong mga nakaraang linggo, sinulat natin dito ang “Planet of the Apes (inuunggoy na tayo).” Isang thesis lamang ito na inuunggoy tayo ng ating sariling mga lider at institusyon, sa loob mismo ng ating sariling bansa. Metaphor lang, ika nga.
But this week, someone got that script and somehow made it literal, complete with an actual video.
On July 10, China Daily, ang state media ng Chinese Communist Party, hindi lang basta random troll account — posted an AI-generated video on its Facebook page. Sa video, may isang unggoy na naka-barong Tagalog at salakot, being directed by two hands representing the US and Japan on what to sing. Tinawag itong “stupid,” bago nito iwinagayway ang isang papel na may nakasulat na “South China Sea Arbitration Award”.
Then it gets thrown into the sea and blasted by a water cannon from a ship. Ten seconds lang ang video. Pero sapat na ang sampung segundo para sumambulat sa social media, at ipaalala sa atin kung paano tayo nakikita ng ilan sa ating dayuhang kapitbahay.
As a backgrounder, the South China Sea Arbitration Award refers to the 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration na ipinanalo natin – na legally invalid ang "nine-dash line" claim ng China sa buong South China Sea, at opisyal na kinumpirma ng tribunal na sa Pilipinas talaga ang Mischief Reef at Ayungin Shoal dahil nasa loob sila ng ating sariling EEZ.
Six days after China Daily posted the controversial video, DFA responded. Foreign Affairs Undersecretary Leo Herrera-Lim personally raised it with Chinese Ambassador Jing Quan noong July 16, demanding an immediate takedown. Sabi ng DFA, tumawid na ito mula sa political commentary tungo sa “racist and dehumanizing propaganda” — “deeply offensive, distressing, and unacceptable,” ayon sa official statement.
Sumabay si Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., calling it racist propaganda that exposes the “moral and intellectual bankruptcy” of China's propaganda apparatus, at binanggit pa niya ang “schizophrenic behavior” ng Chinese Communist Party. Kumondena rin si Philippine Coast Guard spokesman Commodore Jay Tarriela.
Kapansin-pansin din ang katahimikan ng ilang senador na dati ay palaging may paalala na mag-ingat daw sa pananalita laban sa Tsina — tanong ngayon ng ilan: kung dati tayo raw ang dapat mag-ingat, hindi ba ngayon, China should be the one apologizing?
As of this writing, tumugon na ang China: sa pamamagitan ng Ministry of Foreign Affairs spokesman na si Lin Jian, sinabing hindi raw ito representasyon ng government position — walang apology, at parang binitiwan na lang nila si China Daily.
Dito papasok ang mga bagay na kritikal.
It would be easy to say cut it all off — close the embassy, cancel the projects, let the anger take over.
But the real picture isn't that simple.
Isang dekada na nating pinakamalaking trading partner ang Tsina — $22.71 billion ang kalakalan mula January hanggang May ngayong taon lang. Hawak ng State Grid Corporation of China ang 40 percent ng National Grid Corporation of the Philippines.
Currently building naman ang PowerChina at EnergyChina ng mga dam, solar farm, at power infrastructure sa buong bansa — kasama na ang Kaliwa Dam at ang MTerra Solar, na inaasahang magiging world's largest solar and energy storage facility.
May usapan pa rin tungkol sa joint oil and gas exploration sa South China Sea.
Advertisement
Ang totoo, kahit gaano man kasakit ang isang racist na video, it doesn't happen in a vacuum — nangyayari ito sa gitna ng isang relasyong pareho nating kailangan, gusto man natin o hindi.
Ang hindi naman natin alam ay kung ang China Daily, kahit state media siya, maaaring hindi naman ito ang formal government policy ng Tsina patungkol sa Pilipinas. Baka may chance pa ring bumaba ang tensyon kung tatanggalin ang video, kung may lalabas na malinaw na apology, at kung ipagpapatuloy ang mga usaping pang-ekonomiya na nakahiwalay sa isyung ito. Make it compartmentalized lang, kumbaga.
Iyan ang balanse na kailangan nating hanapin at harapin bilang bansa: ipagtanggol ang dignidad ng bawat Pilipino nang buo at walang pag-aalinlangan, habang hindi rin basta isasara ang mga pintong nagbibigay-buhay sa milyun-milyong trabaho at proyektong umaasa rin sa ugnayang ito.
This isn't about choosing between diplomacy and economics.
Both deserve to be served, at pareho itong dapat pagsilbihan nang may paninindigan.
Let's circle back to the question na iniwan natin sa “Planet of the Apes.”
Inuunggoy na tayo sa ating sariling bansa — ng mga opisyal na nangungurakot, ng mga sistemang sumasakal sa karaniwang Pilipino, ng mga desisyong ginagawa nang wala tayong tunay na tinig.
Ngayon, dumating pa ang parehong tanong mula sa labas, in front of the whole world: uungguyin pa rin ba tayo ng ibang lahi, at hahayaan lang nating tumawa ang lahat?
If we can't even fix the first kind of pang-uunggoy, paano pa natin haharapin ang pangalawa?
Pero ito ang dapat malinaw, at home or abroad: hindi tayo unggoy.
At kahit gaano man kalapit at kailangan ang ugnayang pang-ekonomiya, hindi tayo papayag na matapakan at balahurain ninuman ang ating dignidad.
Sources
- DFA condemns China Daily video, demands takedown — Manila Bulletin, July 17, 2026 (mb.com.ph)
- Philippines tells Beijing to take down 'irresponsible, racist' China Daily video — Rappler (rappler.com)
- Philippines files diplomatic protest over racist depictions by China Daily — Manila Times, July 17, 2026 (manilatimes.net)
- Teodoro condemns 'racist' China Daily post depicting Filipinos as monkeys — Philstar, July 17, 2026 (philstar.com)
- Tarriela condemns Chinese media's 'monkey' video — Brigada News (brigadanews.ph)
- PH issues diplomatic protest over China Daily 'racist' videos, cartoons — GMA News Online (gmanetwork.com)
- 'PHL, China trade, investments depend on political climate' — BusinessMirror, July 6, 2026 (source of the $22.71B Jan–May 2026 trade figure, China's share of PH imports/exports, and NGCP/PowerChina/EnergyChina infrastructure details) (businessmirror.com.ph)



