"HE JUST STOOD UP TO SAY SUMUSUNOD SIYA SA BATAS."
PANOORIN: Ipinagtanggol ni Senator Alan Peter Cayetano si Senator Robin Padilla kahapon, Hulyo 20, matapos itong batikusin dahil sa paglilinaw ni Padilla na naisinumite niya ang counter-affidavit sa Ombudsman.
Binanggit ni Cayetano ang pahayag ng yumaong Senador Joker Arroyo: “It is useless to argue a legal point with a non-lawyer,” kasunod ito ng sinabi ni Senador Erwin Tulfo na may mga senator-judges na nagbubukas ng mga usaping hindi umano kaugnay ng impeachment trial.
Ayon kay Cayetano, nais lamang ipaliwanag ni Padilla na sumunod siya sa umiiral na batas.
“Kukuwestiyunin niyo si Senator Padilla, it was all over the news na hindi niya inintindi or he snubbed the Ombudsman. Senator Padilla just stood up to say sumusunod siya sa batas,” ani Cayetano.


