Sa kabila ng pansamantalang pagkakadetine ni Senador Rodante Marcoleta, patuloy niyang isinusulong ang mga panukalang batas na layong mapagaan ang gastusin ng mga Pilipino sa gitna ng nakaambang pagtaas ng singil sa kuryente at presyo ng langis.
Sa pahayag ng senador, binigyang-diin niya ang mga panukalang 1.) alisin ang 12% VAT sa kuryente (SBN 61) at 2.) gawing libre ang mga kumokonsumo ng 200 kWh ng kuryente bilang subsidy (SBN 63).
Umaasa rin si Sen. Marcoleta na agad na maisulong ang mga ito sa Senado upang makapagbigay ng tunay at pangmatagalang ginhawa sa bawat pamilyang Pilipino.
📸: Rodante Marcoleta/Facebook



