Nahuli ang isang barangay official matapos barilin ang isang truck driver sa insidente ng road rage sa Guagua, Pampanga.
Ayon sa pulisya, nagkagitgitan sa kalsada ang truck at isang puting pick-up bago pagbabarilin ng suspek ang 28-anyos na biktima sa Barangay San Antonio. Sugatan ang truck driver sa insidente.
Narekober sa suspek ang isang lisensyadong 9mm pistol, tatlong magazine, at ang ginamit na sasakyan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
📸: PRO-3



