Arestado ang isang lalaki matapos magnakaw ng halos ₱20,000 halaga ng mga sapatos at tsinelas sa isang apartment sa Tondo, Maynila.
Natukoy ang suspek sa tulong ng CCTV footage. Narekober sa kaniya ng pulisya ang ilan sa mga ninakaw, kabilang ang mamahaling sapatos at ang timba na ginamit nitong lalagyan.
Inamin ng suspek ang krimen at humingi ng paumanhin sa biktima. Nahaharap ngayon ang lalaki sa kasong theft.
📸: Manila Police District



