May pagkakakilanlan na ang mga awtoridad sa dalawang suspek na nagnakaw ng mga technical equipment sa parking area ng Senado.
Ayon sa imbestigasyon ng Pasay City Police Office, nilagari umano ng dalawang suspek na magkasintahan ang steel perimeter fence upang makalabas-pasok sa Senate compound.
Ninakaw ng mga suspek ang isang TV, dalawang printer, dalawang lamesa, isang extension wire, tatlong pocket Wi-Fi device, at iba pang kagamitan ng isang media organization.
Binalak din umano nilang nakawin ang isang 50-inch TV, ngunit inabandona na lamang ito.
Patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek.
📷: Pasay City Police



