Nagdulot ng matinding pinsala ang isang malakas na bagyo na sinabayan ng buhawi sa mga rural na komunidad sa hilagang-kanlurang bahagi ng Rio Grande do Sul, Brazil.
Ayon sa mga awtoridad, tuluyang nawasak ang hindi bababa sa dalawang bahay, habang maraming iba pang kabahayan at sakahan ang nasiraan ng bubong. Marami ring puno ang nabuwal at may mga alagang hayop na namatay.
Tatlong katao ang sugatan at isinugod sa ospital. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad upang tumulong sa mga naapektuhan.
📹: RT News


