Nasawi ang piloto ng isang maliit na eroplano matapos itong bumagsak malapit sa Chandler Municipal Airport sa Arizona, U.S.A., nitong Martes ng gabi, Hulyo 28.
Ayon sa mga awtoridad, ang biktima lamang ang sakay ng eroplano at nasawi ito sa insidente. Hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan ng piloto.
Agad na rumesponde ang mga emergency personnel at nakipag-ugnayan sa airport control tower upang matukoy ang lokasyon ng bumagsak na sasakyang panghimpapawid.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.
📹: RX-Hawk


