SUNOG SA PASIG, ITINAAS SA IKATLONG ALARMA.
Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa kahabaan ng Rosemarie Lane, Barangay Kapitolyo, Pasig City nitong Miyerkules ng hapon, Hulyo 29.
Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang sunog bandang 2:01 p.m. at itinaas sa ikalawang alarma pagsapit ng 2:09 p.m. Kalaunan, umabot ito sa ikatlong alarma bandang 2:35 p.m.
Agad na rumesponde ang mga bumbero at volunteer fire brigades. Gayunman, ayon sa mga residente, nahihirapan ang mga responder na makapasok sa lugar dahil sa makikipot na mga kalsada na nagpapabagal sa operasyon ng pag-apula ng apoy.
Patuloy pa rin ang firefighting operations hanggang sa oras na ito. Wala pang opisyal na ulat kung may nasawi o nasugatan habang iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog.
📽️: Cesario Tubog

